Skip to content

Tungkol sa Bakahan

Isang website para sa mga Pilipinong nag-aalaga, bumibili, nagbebenta at nag-aaral tungkol sa baka.

Isang bakang nanginginain sa maliit na bakahan sa gitna ng mga niyog
Borongan City, Eastern Samar. Photo: TheNuggeteer, CC BY-SA 4.0

Ang "bakahan" ay lugar ng mga baka. Sinimulan namin ang site na ito habang itinatayo ang sarili naming farm ng pagpapataba ng baka. Napansin naming nakakalat ang impormasyon tungkol sa pagbababaka sa Pilipinas: sa mga lumang PDF ng gobyerno, sa mga Facebook group, at sa kaalamang naipapasa lang mula sa beterano papunta sa baguhan.

Ano ang nasa site

  • Mga gabay sa breed, pagpapataba, pagpapakain, kalusugan, negosyo at merkado, na may nakalistang pinagkunan.
  • Palengke kung saan puwedeng mag-post ang mga miyembro ng bakang ibinebenta o hinahanap.
  • Ulat ng presyo mula sa mga miyembro, para may mas malinaw na tingin sa presyo ng liveweight at karne.
  • Direktoryo ng mga negosyong nagsisilbi sa magbabaka.

Sino kami

Ang Bakahan ay pinapatakbo ng isang maliit na pamilyang negosyo sa pagbababaka. Hindi kami ahensya ng gobyerno at hindi kami beterinaryo. Pangkalahatang gabay ang mga artikulo; para sa mga desisyong may kinalaman sa kalusugan ng hayop o sa batas, kumonsulta sa inyong Municipal Agriculture Office o lisensyadong beterinaryo.

Makipag-ugnayan

Mga tanong at advertising: inquiries@bakahan.com
Investment at partnership: invest@bakahan.com
O gamitin ang contact form.